Friday, 3 February 2012

Pre-valentine's Dilemma


Gusto kong paligayahin ang mga single diyan sa tabi-tabi. Huwag kayong mag-alala . Nandito ako para pasayahin at iparamdam sa inyong MAHAL KO KAYO :)

A lot of people often see this occasion as dapat you have a lover/partner to celebrate this day where in fact it’s just an ordinary day. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit nga ba may Valentine’s Day? Hindi ba dapat araw-araw nating ipinapadama sa mga taong mahal natin na mahal natin sila? Bakit ba may mga taong nalulungkot kapag month of February or Valentine’s Day? Dahil ang nasa isip ng halos lahat sa atin, wala kang karapatan magcelebrate kung wala kang boyfriend, or kahit manliligaw man lang na magaaya sayo ng date.

Hoy, excuse me! Mas maganda nga ang single ano. Imagine, hindi lang isa ang ka-date mo! Mahigit isang dosena pa! O diba, mas masaya ‘yon? At isa pa, hindi natin kailangang maging malungkot sa araw na ito. Hindi lang naman mga rosas o tsokolate ang nakapagbibigay saya sa araw na ‘to. Oo, aminin natin na masaya talaga kapag nakakatanggap ka ng mga ganitong bagay. Pero mas masaya, lalo na’t kung nararamdaman mong maraming nagmamahal sayo, hindi lang isa :) 

Baka naman isipin niyo na bitter ako. Hahaha! Hindi po. ‘wag din sanang magalit ang mga may boyfriend/girlfriend diyan, bilang may boyfriend din naman ako. Gusto ko lang damayan ang mga taong naglulungkut-lungkutan diyan. Dahil ako mismo, hindi makakapagcelebrate niyan dahil nasa malayong malayong lugar siya ngayon. But it really doesn’t matter. February 14 is just a date. Marami pang February 14 ang darating sa buhay natin ‘no. Matagal pa tayong mabubuhay e ;) Gusto ko lang isiksik diyan sa mga kukote niyo (pati sa kukote ko) na pwede parin kayo lumabas o makipag date sa kung kanino niyo gusto. Yung alam niyong sasaya kayo sa araw na yun at mararamdaman niyong may nagmamahal sa inyo. Alam niyo ba kung sino ang BEST date na makakasama niyo sa Valentine’s Day? Your own family :) or kung hindi naman, friends. I’m sure madami kayong circle of friends.

Hindi naman tayo dapat nagmamadali sa pag-ibig. Darating din yan, sa tamang oras, tamang panahon at sa tamang tao. Pagdasal niyo, and really, it works! Mag enjoy muna kayo at gawin ang mga bagay na gusto niyong gawin sa buhay. Malay niyo, sa pag-eexplore niyo dun niyo na pala makikilala ang taong nakatakda para sa inyo. :)

And please... wag nang emo ha? Enjoy lang. Keber natin sa mga mag jowang magcecelbrate. Tayo nalang mag date ;) :* Happy Valentine's Day!!

2 comments: